20 August 2008

paglaho














Inspirasyon
inspirasyon nakawala sa akin,
at pilit man habulin
kilometro na ang layo –
peste, lintik na buhay!

Ngayon
ngayon paano na
ang panaginip ng kabataan
para ngang bula
biglaan, pumutok!

Tatawa
tatawa na lang ako
sisigaw ng kawalan
habang bumabalik sa dati
sira-ulo, baliw!

Palipasin
palipasin na lang siguro
sapagkat wala nang bukas
narito na ang wakas
papalapit, nagmamadali!

1 comment:

Anonymous said...

Mas gusto ko yung mga Tagalog mong tula. ^^; Hindi ko alam kung bakit, ehehe...siguro kasi parang mas maganda pakinggan ang ating sariling wika. (Matutuwa sa akin si Rizal. XD)