minsan ako’y naglakbay, di alam kung sa’n patungo
kayraming dinaanan, nakatago ang pupuntahan
pilit na naghahanap ng masisilungan, ngunit
byahe’y di maihinto sa mga kantong nalalampasan
kaya patuloy ang lakbay isa lamang ang nasa isipan
pansariling kapayapaan ng isip at ligayang inaasam
sa pagkakataong may makikisabay walang pakialam
hindi iniinda kung ano ang pakay sapagkat
isipa’y nakakulong sa iisang kagustuhan, nakalimutan
na mga taong nakikilakbay na may magandang
kalooban, di pansin na sila pala’y may hangaring
samahan ako sa biyahe at gawing magaan ang loob
sa di malamang pagkakataon, sila’y bumaba
di man lang pinigilan, konsentrasyon pa ri'y sa manibela
ngayon ay nag-iisa, tuloy pa rin ang lakbay
inisip ang mga dinaanan, nagsimulang pagsisihan
mga pagkakataong pinakawalan at pinabayaan
nasayang lang ang nakaraan, di masyadong pinahalagahan
byahe sana’y hindi minadali, mga dinadaana'y minasdan
noon sana’y nahanap na ang kagustuhan,
destinasyon ay kita na, malapit na ang hintuan
ngunit wala nang magawa, sapagka’t lumipas na
kaya patuloy ang byaheng di alam ang patutunguhan
naghahanap, nag-iisip, tumitingin na sa dinadaanan.
3 comments:
ayos a. pwedeng lyrics ng alternative o rock song.hehe.
Hehe, parang lyrics nga ng rock song. XD Pero gusto ko 'to--bukod sa maganda yung mismong istraktura at daloy ng tulay, maganda rin ang mensahe.
Sayang nga ang mga pagkakataon. :P (Kaya kunin mo na sa susunod ha!)
Este, tula pala. ^^; Sorry typo.
Post a Comment